ANNOUNCEMENT | 2ND PAYOUT NG EDUK-CARES
Hindi namin kayo nakalimutan! Inaanyayahan ang lahat ng benepisyaryo ng Eduk-Cares Program na dumalo sa 2nd Payout na gaganapin sa December 14, 2025, 9:00 AM sa Brgy. SK OFFICE
Sa bawat payout, hindi lamang benepisyo ang naipagkakaloob—kundi inspirasyon, pag-asa, at patunay na ang ating pamayanan ay handang umalalay sa pangarap ng bawat kabataan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang mga programang nagbibigay-lakas at nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa edukasyon.
Mahalagang makadalo ang bawat iskolar upang ma-claim ang kanilang tulong-pinansyal. Paalala rin na magdala ng kinakailangang requirements para sa maayos at mabilis na proseso ng payout.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong SK Officials.
Brgy. Tres Hall – 9:00 AM
December 14, 2025
"TONET-toneladang Pagbabago sa Sama-sama at Nagkakaisang Barangay Tres."
Kap. Tonet Hain
Barangay Tres Chairman

