Preloader

Year-End Accomplishment Assembly

ย 

Barangay Tres

  • ๐Ÿ“… Disyembre 12, 2025 (Biyernes)
  • ๐Ÿ•” 5:00 PM
  • ๐Ÿ“ Barangay Hall, Barangay Tres
Inaanyayahan po ang lahat ng rehistrado AT may Barangay ID na mga Senior Citizens, PWD at Solo Parents na dumalo sa ating Year-End Accomplishment Assembly, kung saan itatampok ang mga nagawa at programang naihatid ng Barangay Tres para sa bawat sektor ngayong taon.
๐Ÿ’ May pamamahagi rin ng Birthday Cash Gift para sa mga kwalipikadong miyembro ( na pumasok sa cut off na November 2024) ng bawat sektor.
ย 

Color Theme ng Bawat Sektor:

  • Senior Citizens โ€” White
  • PWD โ€” Red
  • Solo Parents โ€” Blue

Paalala:

  • ย Dalhin ang inyong Barangay ID
  • Magsuot ayon sa inyong sektor na kulay
  • Dumating nang maaga para sa maayos na daloy ng programa
ย 

More Information

Reach out for expert insurance support and personalized solutions.

testimonials

Real feedback from our community because every resident matters.

Genuine comments and stories from our residents, reflecting how our barangay strives to serve every individual with care and commitment.

Marlon Ponce 178 Felix Extension Drive Elsol

Ayon sa salaysay ng residente na si Marlon Ponce ang kanyang sinabi batay sa kanyang nararanasan at nakikita ay maayos ang pamamalakad ng mga opisyal ng Brgy. Tres bagamat ito ang pinaka maliit na barangay ay nakikita naman ang kaayusan at seguridad na syang ikinatutuwa niya. Maayos ang mga programa at mabilis ang aksyon at kanya lamang hiling ay naway madagdagan pa ang bilang ng mga Tanod para sa karagdagan seguridad at masugpo ang maiingay na muffler sa kalsada para na din sa katahimikan at maging payapa pa ang bawat kalye sa pagsapit ng gabi.

Jerna Cosio 165 Elsol Poblacion Tres

Ayon sa salaysay ng residente na si Jerna Cosio ang kanyang sinabi ayon sa pamamalakad ng Brgy. Tres ay maayos naman.Naibabahagi naman ng tapat at tama ang mga kailangan ng tao gaya ng relief, tulong pinansyal at mga libreng programa at natutugunan nila ng maayos ang mga serbisyo na pinapatupad nila at nakakataba din ng puso dahil yung mga napapangako nila ay hindi napapako at hind isa una lang bagkus nasa puso nila ang pagtulong sa kapwa. Naway magtutuloy tuloy ito at madami pa silang matulungan na nangangailangan.